Hajj Pilgrimage sa Saudi Arabia, limitado lang ngayong taon
60,000 katao lamang ang puwedeng dumalo sa Hajj ngayong taon, ayon sa Ministry of Hajj and Umrah.
60,000 katao lamang ang puwedeng dumalo sa Hajj ngayong taon, ayon sa Ministry of Hajj and Umrah. Magsisimula ang 6-day pilgrimage sa July 17 at magtatapos sa July 22, 2021.
Ayon sa kanilang Twitter, limitado lang muna sa mga residente at citizens ng KSA ang Hajj ngayong taon. Maaaring dumalo ang ibang lahi basta’t sila’y residente o citizen ng bansa. Maaaring magparehistro sa https://localhaj.haj.gov.sa/.
Marami namang Pilipinong Muslim ang pinili na ipagpaliban na lang muna ang pag-Hajj ngayong taon, tulad ni Jason ‘Sajid’ Patiam. Aniya, ang laki ng itinaas ng presyo ng gagastusin para sa Hajj dahil sa pandemya. Kung dati ay nasa 4,000 – 5,000 Saudi Riyal ang magagastos ng isang pilgrim tuwing Hajj, ngayon ay nasa 12,000 – 16,000 Saudi Riyal.
Para sa mga nais dumalo, heto ang mga guidelines na dapat sundin:

Para sa karagdagang impormasyon, panoorin ang buong ulat dito.