Golden Visa o 10-year Visa Naibigay sa Pinoy Artist sa UAE
Nabigyan ng ‘golden visa‘ o 10-year visa ang Pinoy artist na si John Paul Atillano Faderogao at ang kaniyang asawang si Nancy Faderogao
EMEA Admin | July 22, 2021
Nabigyan ng ‘golden visa‘ o 10-year visa ang Pinoy artist na si John Paul Atillano Faderogao at ang kaniyang asawang si Nancy Faderogao. Karaniwan, 2-year visa validity lamang ang binibigay sa mga regular na empleyado at investors sa UAE.
Sampung taong residence visa ang ibinigay sa mag-asawang Faderogao, at automatic din ang renewal nito. Ayon kay John Paul, marahil ito ay kaakibat ng kaniyang accreditation mula sa Dubai Culture, at sa kaniyang pagkapanalo ng parangal sa Waterfront Market – Murals and Art Competition noong 2019.
Bagong kategorya ang ‘Golden Visa’ ng UAE government, na binuksan nila bago mag-pandemya. Ito ay para sa mga malalaking investors at may specific talent tulad ng mga artists, doctors, at scientists.–mula sa ulat ni Vivienne Napeñas, TFC News
Para sa mga karagdagang balita, tumutok sa TV Patrol sa iWantTFC