Emirates, balik na ang flights papunta at pabalik sa Manila, Clark, at Cebu
Bukas na ulit ang serbisyo ng Emirates alinsabay ng pagluluwag ng flight restrictions
Shin Kitane | September 18, 2021
Bukas na ulit ang serbisyo ng Emirates papunta at pabalik ng Manila, Clark, at Cebu:
- 7 flights papunta at pabalik ng Manila kada linggo
- 5 flights papuntang Clark
- 2 flights papuntang Cebu
Mayroon pa ring restrictions hinggil sa bilang ng pasaherong puwedeng mag book ng flight, ayon sa Emirates. Business class, first class, at economy ang available na upuan sa Emirates lulan ng Boeing 777-300ER aircraft.
Magkakaroon rin ng special commercial flights para sa mga nais umuwi sa UAE. Filipino citizens lang ang pwedeng mag-book ng flights kung mayroong mga sumusunod na requirements:
- Negative RT-PCR result 48 hours prior to boarding
- 10-day facility-based quarantine
- four-day home-based quarantine