Embahada ng Pilipinas at POLO-OWWA sa Kuwait, bukas na ulit
Balik-serbisyo na ang Embahada ng Pilipinas at POLO-OWWA sa Kuwait mula June 20,2021
Mula sa Ulat ni Maxxy Santiago | June 30, 2021
Balik-serbisyo na ang Embahada ng Pilipinas at POLO-OWWA sa Kuwait mula June 20,2021. Ito ay matapos ang dalawang linggong pagkakasara dahil sa pagpositibo ng 18 staff sa COVID.
Ngayon, muling dumagsa ang mga OFWs sa Al Sahel Sports Club sa kabila ng init ng panahon dahil sa summer. Para sa mga OFWs na dumayo, nagpapasalamat silang bukas na ulit ang Embahada at POLO para sa kanilang mga pangangailangan.
Mas lalo namang pinag-ibayo ng Kuwait ang kanilang vaccination program. Ayon sa Kuwait Ministry of Health, 70% na ang vaccination rate ng Kuwaiti population. Mula June 27, 2021 ay ipapatupad na ang ‘No Vaccine, No Entry’ policy sa mga restaurants, malls, at gyms.