Maluha-luha at di makapaniwala ang Pinoy na si Jeric, isang OFW sa Dubai, nang bigyan siya ng brand-new Hyundai Elantra ni Supercar Blondie.
Si Supercar Blondie ay isang Dubai-based vlogger, at nakipagtulungan siya sa Hyundai para mabigyan ng sasakyan ang tatlong deserving na tao. Nagkaroon sila ng screening process ng lahat ng ipinadalang nominations, at kabilang si Jeric sa tatlong mapalad na nabigyan ng sasakyan. Halos 3,000 ang nominado na pinagpilian ng team nina Supercar Blondie at Hyundai.
Boss ni Jeric ang nag-nominate sa kanya. Ani Abir, ang boss ni Jeric, mahigit dalawang taon na niyang tauhan si Jeric at isa ang Pinoy sa mga pinakamasisipag niyang empleyado. “He has [the] memory of an elephant! He can memorize everyone’s orders with zero mistakes, always a smile is on his face,” kuwento ni Abir tungkol sa kaniyang assistant.
Ayon sa boss ni Jeric, nais niyang matulungan si Jeric dahil sa mga hamong hinarap niya noong nakaraang taon dahil sa pandemya. Bukod sa pay cut, nawalan din ng magulang si Jeric at may kinakaharap na health issues. Sa kabila noon, ani Abir, hindi tumatanggi si Jeric sa trabaho kailanman. “Our team depends on him,” aniya. “No does not exist in his dictionary.”

Hindi naman napigilan ni Jeric na umiyak nang surpresahin siya ng kaniyang mga katrabaho at ni Supercar Blondie ng bagong kotse. Agad siyang tumawag sa kaniyang ina na nasa Pinas. “This is for my mom, that’s why I’m always working hard,” kuwento niya sa vlogger.
Masayang-masaya naman ang boss niyang si Abir na napili si Jeric para sa premyo. “I’m very, very happy for you, I love you!” masaya niyang pahayag kay Jeric sa kaniyang video message.
Panoorin ang video sa vlog ni Supercar Blondie dito.
Image credit: YouTube channel | Supercar Blondie