Dalawang underaged OFWs papuntang Middle East, nahuli ng Bureau of Immigration
"These heartless human traffickers continue their nefarious trade despite the pandemic, but we will not stop neutralizing them" - BI Commissioner Jaime Morente
EMEA Admin | July 08, 2021
Nasakote ng Bureau of Immigration ang dalawang underaged OFWs na papunta sana ng Saudi Arabia, sa Clark International Airport, Pampanga.
Biktima ng human trafficking ang dalawang menor de edad, na pinagsinungaling umano ng kanilang recruiter. Nang unang interbyuhin ng Immigration ay sinabi nilang nasa 26 at 27 taong gulang na raw sila. Kalaunan, umamin rin ang dalawa at sinabing wala pa silang 20 anyos. Ang minimum age requirement para makapagtrabaho sa Middle East ay 23 taong gulang.
Kumpleto rin sila ng mga pekeng travel papers mula sa kanilang recruiter.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may nahuling underaged OFWs ang BI nitong mga nakaraang buwan. Suspetsa nila, dala ito ng pangangailangan ng mga nais magtrabaho abroad at ng mataas na demand para sa OFWs sa Middle East. Gayunpaman, bawal ito at labag sa batas dahil maaaring mapahamak ang mga menor de edad na walang wastong papeles at legal na proteksyon sa Middle East.
“These heartless human traffickers continue their nefarious trade despite the pandemic, but we will not stop neutralizing them,” ani BI Commissioner Jaime Morente.
Photo Credit: Wikipedia Creative Commons