Daan-daang katao, nasalanta ng baha sa Germany
Ayon sa German media, marami ang sugatan at mga nawawala pa rin na kasalukuyang hinahanap ng mga search and rescue teams
EMEA Admin | July 22, 2021
Matinding baha ang gumulantang sa mga residente ng North Rhine-Westphalia noong July 16, kabilang na ang ilang Pinoy na naninirahan doon. Mahigit 200 katao ang nasawi sa naturang trahedya.
Ayon sa German media, marami ang sugatan at mga nawawala pa rin na kasalukuyang hinahanap ng mga search and rescue teams. Matindi rin ang pinsala sa mga bahay at iba pang ari-arian tulad ng mga sasakyan.
Sa kabila nito, bumuhos ang tulong sa mga biktima ng bagyo. Kabilang na sa mga nanguna sa pagpapaabot ng tulong ang Pinay na si Dorcas Reyes Poloczek. Aniya, panahon naman ng mga Pinoy sa Germany na ibalik ang magandang pakikitungo sa kanila ng Germany sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang mga kapwa-tao.
Nagpasalamat si Chancellor Merkel sa lahat ng mga tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo. Aniya, sisikapin nilang tulungan ang mga nasalanta na bumangon mula sa trahediya sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga imprastraktura at mga nasirang bahay. Plano rin ng German government na maglaan ng €200 para sa relief operations.–Mula sa Ulat ni Grace Pickert, TFC News
Para sa mga karagdagang balita, tumutok sa TV Patrol sa iWantTFC