Kuwento ni Mariang Makiling, tampok sa 'Culture Days' art and culture celebration sa Canada
Kabilang sa Canada Culture Days ang art show ng Filipino Canadian Art Museum na pinamagatang 'Mountain Goddess: Mariang Makiling'
Shin Kitane | September 09, 2021
Tampok ang kuwento ng diyosang si Mariang Makiling sa Culture Days ng Canada sa darating na ika-24 ng Setyembre. Ang Culture Days ay regular na selebrasyon ng Canada para sa arts and culture. Ngayong taon, kabilang ang Filipino Canadian Art Museum na siyang mag-eexhibit ng Filipino heritage sa pamamagitan ng kuwento ni Mariang Makiling.
Ayon sa founder ng museum na si Mona Lavina, nananatiling mahalaga ang kuwento ni Mariang Makiling sa panahon ngayon, lalo na't patuloy ang mga problemang dulot ng pandemya at pagkasira ng kalikasan.
“We face many challenges today since the pandemic, which includes rethinking how we care for our health and the health of the environment,” kwento ni Lavina sa isang interview.
Tampok sa exhibit ang mga obra ng mga sumusunod na artists at designers:
- Romina Urra-Gonzalez
- Allan Florendo
- Esmie Gayo McLaren
- Charlie Frenal
Magkakaroon ng storytelling at virtual art exhibition ang Filipino Canadian Art Museum, na mapapanood sa kanilang Facebook, Instagram, YouTube, at website. Magkakaroon ng premiere sa September 24, 2021 at 10am PST.
Image Source:
Culture Days Website