Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na naglalayong tulungang makabangon ang mga mahihirap. Ito ang Republic Act 11291 o kilala bilang Magna Carta of the Poor na magre-require sa mga ahensya ng gobyerno na magbigay ng “full access” na serbisyo sa mga mahihirap.
Sa nasabing batas, classified bilang mahihirap ang mga taong hindi nakaka-afford ng minimum basic needs gaya ng pagkain, kalusugan, edukasyon at housing. Ang mga sumusunod ang matatanggap ng mga mahihirap sa ilalim ng bagong batas:
1. Right to adequate food
2. Right to decent work
3. Right to relevant and quality education
4. Right to adequate housing
5. Right to the highest attainable standard of health
Ang principal sponsor at author ng Magna Carta of the Poor ay si Sen. Leila De Lima.
Source: Balitang Global
Image Credit: ABS-CBN News