Bagaman sanay sa distansiya ang mga OFWs mula sa kani-kanilang pamilya, mas naging mahirap ang mawalay sa piling ng isa’t isa mula noong nagkaroon ng pandemiya. Higit pa sa distansya, ginagawan rin ng paraan ng bawat pamilya na magsurvive sa kani-kanilang sitwasyon.
Mas makatotohanan ito para sa mga OFWs at ang kanilang anak. Dahil sa travel ban sa iba’t ibang bansa, hindi makakabalik agad sa Pilipinas ang mga OFWs. At dahil rito, mas kinakailangang maiparadam sa ating mga anak ang suporta at pag-aaruga.
Heto ang apat na paraan para maipakita ang suporta at pag-aalaga kahit na nasa ibang bansa:
1. Mag-schedule ng regular bonding activities
Higit pa sa regular na pagchat o pag-video call, kailangan magschedule rin ng regular na bonding activities kasama ang inyong mga anak. Sa panahon ngayon, mas nakabubuti na magfocus ang mag-aanak sa mga nakakatuwang activities. Sa pamamagitan nito, nadadagdagan ng pagkakataong magkaroon ng happy memories ang bawat isa.
Good news! Andaming panibagong apps at teknolohiya na makakatulong sa pagbo-bonding ng mag-aanak. Pwedeng manood ng movie watching together o di kaya’y magkaroon ng game night!
2. Palalimin ang pakikipag-usap sa inyong mga anak
Sa tuwing magkakaroon ng tsansang magvideo-call or chat sa inyong anak, subukang palalimin ang inyong usapan. Tama na ang pagtatanong kung kamusta ang isa’t isa o ‘di kaya’y pagtatanong tungkol sa kanilang grades. Sa bawat chat o video call, may opportunity na mas makilala mo ang inyong anak at vice versa! I-encourage ang inyong mga anak na magtanong tungkol sa iyong buhay.
3. Gabayan ang mga anak sa sa pagsunod sa safety protocols
Para mawala sa iyong isipan ang masyadong pag-aalala, gabayan ang inyong anak sa pagsunod sa safety protocols. Pag-usapang mabuti kung anu-ano ang mga paraan para maiwasang magkasakit sa ngayong panahon. I-engage ang iyong anak sa pamamagitan ng pagshare ng mga safety protocols na iyong natutunan habang nasa ibang bansa.
4. Magbigay ng sapat na tulong para sa kanilang edukasyon
Sa panahon ng pandemiya, karamihan sa mga paaralan ang nag-shift patungong online. Siguraduhing mabigyan ng sapat na suporta ang inyong anak sa panibagong paraan ng pag-aaral. Pilitin na mabigyan ng sapat na resources ang inyong anak para makapag-aral ng mabuti. Higit pa sa lahat, bigyan sila ng motibasyon at encouragement para makapag-aral ng mabuti.
Source: ABS-CBN News
Image Source: Endho | Pixabay