(Video grab mula sa TFC News EMEA report)
PARIS, FRANCE – Kahit may pandemya natuloy ang paggunita ng ilang Pinoy sa anibersaryo ng Martial Law sa Paris nung September 21.
Daladala ang kanilang mga placards na may nakasulat na 'Never Again', tinungo ng mga biktima ng Martial Law ng rehimeng Marcos ang Philippine Embassy sa Paris. Nagbalik-tanaw ang grupong Anakbayan At Nagkakaisang Pilipino sa Pransya sa kanilang karanasan matapos ideklara ang batas militar nung Ika-21 Setyembre 1972.
At kahit halos limampung taon na ang nakakalipas, natatandaan pa rin ni Jess Umali ang hirap na pinagdaanan ng kanilang pamilya nung Martial Law.
‘Ang aking ama ay biktima ng Martial law bilang kalaban sa pulitika dahil ipinagsigawan niya ng panahon ng kampanya na si Marcos ay hindi tunay na sundalo dahil bilang Prisoner of War ang aking ama sa Camp O’Donnel sa Capas, Tarlac’, sabi ni Jess Umali, isang OFW sa Paris.
Gutom naman daw ang dinanas ng isang taga-Negros Occidental.
'Nakaranas ako ng famine, gutom dahil sa mga nakawan na ginawani Marcos mayroon hacienda may mga sakada kukuha sila ng pera hihiram para sa pang abono at pangtanim ng mga sugar pagdating ng anihan wala na sugar, so ako ay nag-susuport never again to Martial Law’, sabi naman ni Gina Santiago, isang OFW din sa Paris.
Matapos ang palitan ng karanasan, ipinagpatuloy nila ang kanilang paggunita ng Martial Law sa harap ng Eiffel Tower.
‘Higit 3 tatlong libo ang mga Pilipinong napatay, pero walang-wala ito sa ginagawa ni Pangulong Duterte, kasi yung 3 libo ni Marcos ay yung 21 years niyang yung duration ng pamumuno niya’, pahayag ni Seyra Rico, Anakbayan Pransya.
Para sa karagdagang impormasyon, panoorin: