Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nag-paalala na may bereavement assistance na makukuha ang pamilya ng mga nasawing OFWs abroad.
Sa ulat ni Jerome Fadriquela para sa Balitang Global, nagkaroon kamakailan ng OWWA consultation meeting with OFW advocates kung saan pinaalala ni OWWA Administrator Atty. Hans Leo Cacdad sa OFW families na mayroon silang makukuhang bereavement assistance benefits sakali mang ang kanilang kapamilya ay nasawi sa ibang bansa kahit pa inactive OWWA member na ito. Kaunti pa lang ang nakakaalam tungkol dito bagamat taong 2017 pa ay ipinatutupad na ang nasabing benepisyo.
Ang mga inactive OWWA members ay makakatanggap ng P20,000 na bereavemment assistance, samantalang ang active members naman ng OWWA ay makakatanggap ng Php 120,000 na death and burial benefits kung natural ang cause of death at Php 220,000 naman kung accident-related ang cause of death.
Source: Balitang Global