NEWS
  •  
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US
 
 
 
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • MORE
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US

ALAMIN: Paano makakuha ng Special Power of Attorney?

Admin | October 18, 2019
  • SHARE:

May property ka bang nais ibenta o legal na dokumentong kailangang ayusin sa Pilipinas? Paano nga ba maiaayos ang mga ito kung nasa ibang bansa?

Huwag mag-alala, maaari magpa-representa sa iyong kapamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng Special Power of Attorney o SPA. Ang SPA ay isa legal na dokumento na nagpapangalan ng representatibo para sa indibidwal o tinatawag na principal. Ang iyong representatibo ay maaaring pumirma ng mga kontrato o gumawa ng mga legal na desisyo para sayo.

Tanging mga kapamilya lamang ang pwedeng maging representatibo ng isang indibidwal. Maaari mong piliin ang iyong asawa, anak, magulang, lolo’t lola.

Para saan ang SPA?

Nagagamit ang SPA para sa mga sumusunod na gawain:

  1. Mag-file ng tax return
  2. Mag-claim ng benepisyo mula sa gobyerno
  3. Pag-maintain ng mga business assets o interests
  4. Pag-manage ng bank accounts, cash, o di kaya’y safety deposit boxes.
  5. Pagbenta, pagpaparenta, o pagmamanage ng mga assets at properties
  6. Pagsettle ng mga claims
  7. Pagpirma ng mga kontrata
  8. Pagplano ng mga regalong pinansyal o estate gifts
  9. Pagtanggap ng bank loan.
  10. Pagsumite at pagtanggap ng NBI clearance
  11. Pag-apply, renew, at pag-claim ng professional licenses
  12. Pag-apply at pag-claim ng driver’s license
  13. Pag-request ng birth certificate at marriage certificate mula sa PSA
  14. Pagtanggap ng birth certificate at marriage certificate mula sa PSA

Paano makakakuha ng SPA ang mga nasa ibang bansa?

May tinatawag na Consularized SPA, kung saan ang isang OFW ay maaaring pumirma sa harap ng dalawang witness para ipagpatunay na ina-assign niya ang isang kapamilya na maging representatibo.

May mga requirements na kailangang ihanda bago mag-avail ng Consularized SPA. Siguraduhing kumpleto at maayos ang mga dokumento na ito, bago pumunta sa Embahada ng Pilipinas.

  • Photocopy ng una at huling pahina ng inyong Philippine passport
  • Valid Philippine-issued government ID
  • Personal appearance sa Embahada ng Pilipinas
  • Dalawang witnesses (dapat nasa legal na edad at sasama sa’yo patungo sa Embahada ng Pilipinas kapag inavail na ang Consularized SPA)
  • Valid IDs ng mga witnesses
  • Notarial fee (ang halaga ay nakadepende sa bansang kinaroroonan)

Madali lang makakuha ng Consularized SPA. Tignan ang mga hakbang na ito:

Step 1: Pakiusapan ang iyong representatibo na kumpletuhin ang SPA form template. Maaari itong madownload sa Filipiknow.net. Kinakailangang ipa-notaryo ng inyong representatibo ang SPA form.

Step 2: Pagkatapos makumpleto at mapanotaryo ang SPA form, dapat itong ipadala sa iyong address sa ibang bansa.

Step 3:  Pumunta sa Embahada ng Pilipinas sa bansa na iyong kinaroroonan. Magsama ng dalawang witness.

Step 4: Iprisenta ang mga SPA form at ang mga required documents.

Step 5: Kung walang problema ang mga naipresentang dokumento, magbayad ng consularization at courier fee. Ang consularization fee ay maaaring pumatak mula P1,500 hanggang P3,000. Matapos i-proseso ng embahada ng Pilipinas ang mga dokumento, ipapadala nila ito sa iyong address sa bansa na iyong kinaroroonan.

Step 6: Pagkatanggap ng mga dokumento, maaari mo na itong ipadala sa inyong pamilya pabalik ng Pilipinas.

Pagkatanggap ng iyong representatibo ng Consularized SPA, maaari na niya itong gamitin. Maaaring ipawalang bisa ang Consularized SPA sa pamamagitan ng paggawa at pagpapanotaryo ng bagong dokumentong tinatawag na ‘Revocation of Special Power of Attorney.’

Source: Filipiknow.net

Image Credit: Helloquence on Unsplash



EXPLORE WHAT'S MORE

The Filipino Channel
Cinema One
ANC
myxTV
Cinemo
Jeepney TV
DZMM TeleRadyo
MOR Entertainment
iWantTFC Originals

Content

  • Channels
  • Movies
  • News
  • TV Guide
  • OFW-related Info

Platforms

  • Cable and Satellite
  • TFC on YouTube TV
  • TFC IPTV
  • iWantTFC
  • Made For YouTube

Services

  • TFC Store
  • TFC Phone in 101

Experiences

  • Billboard
  • Community Features
  • Events

More

  • Advertise with TFC
  • Promos
  • Subscribe
  • Contact Us

Follow Us On:

  • About
  • Contact Us
  • Terms of Use
  • Privacy Policy
  • Tax Strategy
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Advertise with TFC
© TFC 2025. All Rights Reserved.
 

Select Your City

LOS ANGELES, CA TAMPA, FL SF BAY AREA

Redirecting... One Moment Please

  Processing...