65 Pinoy scholars ng Erasmus+ Programme, tutulak papuntang Europa ngayong Agosto
Ayon kay EU Ambassador Luc Véron, kabilang ang Pilipinas sa mga consistent na na sa top 10 countries na may pinakamataas na bilang ng Erasmus+ scholars mula pa noong 2004
EMEA Admin | August 06, 2021
Tutulak pa-Europa ang 65 Pinoy scholars ngayong Agosto para mag-aral sa ilalim ng Erasmus+ Programme ng EU. Master’s at doctorage degrees ang tatapusin ng 65 Pinoy scholars sa ilalim ng EU initiative na ito.
Ang kasalukuyang batch ay ipapadala sa mga sumusunod na bansa:
- Spain
- Italy
- Austria
- Germany,
- United Kingdom
- Poland
- Belgium
- France
- Turkey
- Finland
- Portugal
- Estonia
- the Netherlands
- Greece
- Lithuania
- Sweden
- Hungary
Ayon kay EU Ambassador Luc Véron, kabilang ang Pilipinas sa mga consistent na na sa top 10 countries na may pinakamataas na bilang ng Erasmus+ scholars mula pa noong 2004.
“Competition was tough with 15,000 applications worldwide. You should give yourselves a big pat on the back,” ani Véron sa mga Filipino scholars.
“I encourage you to become agents of social change and transformation for the Philippines and to become goodwill ambassadors for the partnership and friendship between the EU and the Philippines,” dagdag pa niya.
Magtatagal ng isa hanggang dalawang taon ang programa ng mga scholars sa ilalim ng Erasmus+ Programme.