32-taong gulang na OFW sa Abu Dhabi, kinilala bilang isa sa ‘Top 100 Healthcare Leaders’
Pinarangalan ang OFW at registered nurse na si Dan Lester Dabon sa 2020-2021 Top 100 Healthcare Leaders Awards ng International Forum on Advancements in Healthcare (IFAH).
EMEA Admin | August 18, 2021
Pinarangalan ang OFW at registered nurse na si Dan Lester Dabon sa 2020-2021 Top 100 Healthcare Leaders Awards ng International Forum on Advancements in Healthcare (IFAH). Ginanap ang awarding ceremonies sa MGM Grand Hotel, Las Vegas, USA.
Si Dabon ang chief executive officer at founder ng DLD Healthcare Consulting Service, ang sarili niyang healthcare consultancy firm sa Abu Dhabi. Sa kabila ng dalawang taon pa lamang na pagpapatakbo ni Dabon ng kaniyang firm, agad na siyang kinilala ng IFAH bilang isa sa mga pinakamahuhusay na healthcare leaders sa kaniyang larangan.
Nagsimula si Dabon bilang hospital nurse assistant sa Abu Dhabi noong 2012. Aniya, hindi siya makapaniwalang sa halos isang dekada niyang pagtatrabaho ay mararating niya ang kaniyang tinatamasa ngayon.
Kasalukuyan rin siyang nagtatrabaho bilang risk management officer sa isang government-owned organization sa Abu Dhabi.
Si Dabon ang pinakabatang awardee ng naturang parangal.
Nagtapos siya ng BS Nursing sa Brokenshire College, Davao City, noong 2010 at kumuha ng Masters of Science in Healthcare Management noong 2018 sa Swiss Business School, Abu Dhabi.