NEWS
  •  
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US
 
 
 
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • MORE
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US

200 OFWs na nagtrabaho sa US bases sa Afghanistan, stranded ngayon sa Dubai

Ang mayorya sa stranded workers ay umaasa lamang sa repatriation program ng embahada pabalik ng Pilipinas
EMEA Admin | July 19, 2021
  • SHARE:

Mahigit 200 OFWs na nagtrabaho sa US bases sa Afghanistan ang stranded ngayon sa Dubai dahil sa travel ban mula UAE papuntang Pilipinas.

Nasa humigit-kumulang 2,000 Pinoy ang nagtatrabaho sa mga US bases sa Afghanistan mula pa noong simula ng 2021. Pero dahil sa mandato ni US President Joe Biden na iurong na ang US forces mula sa Afghanistan, marami na rin sa mga OFWs na ito ang pinauwi sa Pilipinas. Ang mga hindi pa diretsong nakauwi ay pinalipat muna pansamantala sa Dubai. At ngayon, dahil sa travel ban pabalik ng Pilipinas, nasa 200 sa mga OFWs na ito ang nanatiling stranded. 

Nakatakda na sanang i-lift ang travel ban, na nagsimula noong Mayo ng kasalukuyang taon, noong July 15. Subalit dahil sa paglaganap muli ng mga kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant, na-extend ang naturang travel ban. Ayon kay presidential spokesman Harry Roque Jr.,  idineklara daw ng Inter-Agency Task Force (IATF) ng Pilipinas na extended ang mga travel restrictions hanggang sa katapusan ng Hulyo. 

Ito ay dahil umano sa pangangailangan ng IATF ng panahon para repasuhin ang mga stretehiya at quarantine restrictions para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant sa bansa mula sa mga commercial flights mula sa pitong high-risk countries. Kabilang dito ang:

  • UAE
  • India
  • Pakistan
  • Bangladesh,
  • Sri Lanka
  • Nepal
  • Oman

Maswerte ang ibang stranded workers na patuloy pa ring sinusuportahan ng kanilang mga Afghan employers sa durasyon ng kanilang pamamalagi sa Dubai. Ang iba ay sinusustentuhan pa rin ng food and hotel budget, pati na rin ng visa expenses, ng kanilang dating employer. Isa rito si Rechie Antegra, na ibinahagi sa isang interview sa Arab News ang kaniyang sitwasyon, sampu ng 11 pa niyang dating officemates. “I’m lucky since the company I worked for (in Bagram) continues to shoulder food and hotel expenses plus the visa costs for me and 11 of my officemates. Others (who were deployed in Afghanistan) are in a more difficult situation,” pahayag niya. 11 years kasing nagtrabaho si Antegra sa isang US contractor sa Bagram airbase, Afghanistan.

Pero sa ngayon, ang mayorya sa stranded workers ay umaasa lamang sa repatriation program ng embahada pabalik ng Pilipinas. Ang mahirap dito, nasa 3,500 UAE workers ang nakapila sa naturang repatriation program, kung kaya’t walang kasiguraduhan kung maaasikaso ang OFWs galing Afghanistan. 



EXPLORE WHAT'S MORE

The Filipino Channel
Cinema One
ANC
myxTV
Cinemo
Jeepney TV
DZMM TeleRadyo
MOR Entertainment
iWantTFC Originals

Content

  • Channels
  • Movies
  • News
  • TV Guide
  • OFW-related Info

Platforms

  • Cable and Satellite
  • TFC on YouTube TV
  • TFC IPTV
  • iWantTFC
  • Made For YouTube

Services

  • TFC Store
  • TFC Phone in 101

Experiences

  • Billboard
  • Community Features
  • Events

More

  • Advertise with TFC
  • Promos
  • Subscribe
  • Contact Us

Follow Us On:

  • About
  • Contact Us
  • Terms of Use
  • Privacy Policy
  • Tax Strategy
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Advertise with TFC
© TFC 2025. All Rights Reserved.
 

Select Your City

LOS ANGELES, CA TAMPA, FL SF BAY AREA

Redirecting... One Moment Please

  Processing...