13-year old Pinoy cellist, panalo ng first prize sa International Music Competition sa Italy
Panalo ng first prize sa Musica Goritiensis International Music Competition sa Italy ang 13-year old music prodigy na si Damodar Das Castillo
EMEA Admin | July 08, 2021
Panalo ng first prize sa Musica Goritiensis International Music Competition sa Italy ang 13-year old music prodigy na si Damodar Das Castillo. Ito ang kaniyang ikalimang pagkakataong nanalo siya ng first prize sa isang international music competition.
Siya ay scholar sa Salzburg Mozarteum, isang music school sa Salzburg, Austria. Ginanap ang kompetisyon sa Italy noong May 29 hanggang June 2, 2021. Nakatakda sana itong ganapin ng live sa Theater Kulturni, pero dahil sa banta ng COVID-19, pinag-submit na lang ng videos ang mga qualified contestants.
Makikita sa video sa baba ang entry ni Castillo, kung saan tinugtog niya ang mga sumusunod:
1) Auguste Franchomme – Caprice no. 9 in b minor Op.7
2) Francois Francoeur – Cello Sonata in E Major 2nd Movement
3) Edward Elgar – Cello Concerto in e minor 1st Movement, Opus 85
Watch more Filipino content on iWantTFC
Siya ay nakakuha ng pinakamataas na marka (99) mula sa mga hurado. Pumalawa sa kaniya ang Slovenian cellist na si Sifrara Ivana (94) at ng Austrian cellist na si Kolloros Maximimilan (93).

Mula sa ABS-CBN News