South Korea
Top OFW Safety Tips
Gabay sa mga Dayuhan Para Maiwasan ang Krimen
Mga uri ng krimen na madaling magawa dahil hindi alam
- Ang pang-aatake,pamiminsala,pananakot,pagpasok sa tahanan na walang pahintulot,pangwawasak ng ari-arian,pagkakulong,pandaraya at ang mga sumusunod na kaso ay tatanggap ng matinding kaparusahan
- Paulit-ulit na pagsasagawa ng krimen-pagsasagawa nito ng higit sa dalawang tao, grupo o pangkaramihan at pagdadala ng armas at mga mapanganib na bagay
- Ang pagbuo ng grupo o kaya’y pagsali sa organisasyon o mga gawaing na mga layuning gumawa ng krimen
- Huwag magdala ng kutsilyo, bakal na pamalo, lagari at iba pang bagay na maaaring magdulot ng malubhang pinsala sa buhay at katawan ng tao kung walang sapat ng dahilan.
- Akdang parusa: Batas para sa mgaang krimen artikulo 3 ika2(Multang 100,000 won pababa, pagkakulong o pagmumulta) Batas upang kontrolin ang pagmamay-ari ng baril,armas at pampasabog artikulo 12(Pagkakakulong ng 5 taon pababa o multang 10,000,000 won pababa)
- Pagsusugal, Pagtatayo ng sugalan
- Huwag magsugal ng mahjong (Tsino), mataas mababa (Taylandiya), sokdiya(Vietnam), poker,baraha at iba pang sugal na may pustang pera
- Ang pagbibigay ng lugar sugalan ay nabibilang sa krimen ng pagsusugal na maaaring tumanggap ng mahigpit na parusa.
- Smishing
- Sa pamamagitan ng cellphone ‘pagkakaloob ng libreng kupon’ pag-click ng internet address – ma-iinstall ang malware sa smartphone – magbabayad ang biktima na walang kalam-alam at magdulot ng indibiduwal na pinsala pagkawala impormasyong pinansiyal
- Kahit ang mensahe na galling sa kakilala kung ito ay may kasamang internet address tumawag at kompirmahin bago ito i-click, ang app na hindi kompirmado sa smartphone ptaibayin ang setting security upang maiwasan ang pinsala.
- Paraan ng pagpapatibay ng setting security: Suriin Preferences -> Seguridad -> Device Management -> Hindi kilala ang pinagmumulan Vcheck
- Ang pagkuha ng bisikleta na nasa daan at mga bagay na tila walang may-ari ay maaaring parusahan batay sa pagnanakaw o kaya’y kasong pag-ookupa ng nawawalang gamit.
- Ang pagpapadala ng pera sa pamamagitan ng indibiduwal na transaksyon na hindi dumaan sa pinansiyal na institusyon ay maaaring tumanggap ng mahigpit na parusa
- Ang dayuhan na may edad na 17 taon pataas ay nararapat na mayroon at laging dala ang kanyang pasaporte at katibayan bilang dayuhan (ARC), ang lumabag nito ay maaaring patawan ng multa 1,000,000 won pababa
- Ang paggamit ng pagkakakilanlan ng iba o kaya’y panlilinlang ng sarili ay maaaring parusahan batay sa antas ng abala sa katarungan.
- Simula taon 2014 ang Tanggapan ng pulisya at Kagawaran ng hustisya ay magkasamang ginagamit ang personal impormasyon ng mga dayuhan
- Sasakyan at pagmamaneho, ang mga sumusunod ay tatanggap mahigpit na parusa
- Pagpapatakbo ng sasakyan o motorsiklo ng walang lisensya ng pagmamaneho at nakainom ng alak
- Pagpapatakbo ng sasakyan na hindi legal pagkasalin ng pangalan (sasakyan na hindi legal na nakapangalan)
- Ang paglabag din sa karaniwang kautusan ay may pagpapataw na multa kung kaya’t mag-iingat po
- Huwag magtapon ng upos ng sigarilyo,bubble gum, basura atbp. Kung saan-saan.
- Huwag dumura sa pampublikong lugar o kaya’y manigarilyo sa mga lugar na pinagbabawal ang paninigarilyo
- Sa nagmamaneho ng motorsiklo at pasahero kailangang gumamit ng helmet at kinakailangan na tumawid sa tulay at tawiran.
Mga tips upang maiwasan ang krimen sa buhay
- Karahasan sa tahanan | Karahasan sa Pakikipag-Date
- Kapag naging biktima kayo ng karahasan sa tahanan o karahasan sa pakikipag-date, hindi niyo dapat ito ikahiya. Sa halip, dapat niyo itong ipaalam maliban sa pulis kundi pati na rin sa mga kamag-anak, mga kapitbahay, at mga kaibigan para humingi ng tulong.
- Isinusumite ang mga katibayan para sa karahasan kabilang ang litrato, medical na sertipiko at inirerecomenda ang pakipag-ugnayan sa ahensiya ng pagkonsulta ng mga kababaihan (pang-emergency na telepono para sa mga grupo ng kababaihan 1366 / Danuri call center 1577-1366)
- Napaka importante ang seguridad ng mga biktima sa karahasan sa tahanan at karahasan sa pakikipag-date kaya mas maigi kung ang mga biktima (kasali ang mga anak) ay umiwas muna sa lugar kung saan nangyari ang karahasan.
- Pagkawala ng bata/pag-kidnap/abuso
- Turuan ang bata na humingi ng tulong sa mga tao sa paligid kapag may taong nagkukunwari na kakilala o kaya’y sapilitang sinasama
- Turuan ang bata na tandaan ang pangalan,edad,tirahan,telepono,pangalan ng magulang atbp, kung lalabas tandaan kung sino at saan pupunta, at tandaan kung ano ang suot na damit
- Kung lalabas suutan ng kwintas,pulseras na may nakasulat na telepono, nameplate atbp iwasan na malantad sa ibang tao ang mga bagay na ito
- Ang pang-aabuso sa bata pisikal,sekswal,mental o pananakit at pagpapabaya sa bata ay tatanggap ng mahigpit na parusa
- Karahasan sa paaralan
- Ang karahasan sa paaralan ay tumutukoy sa karahasan, pananakot, pang-aapi at pinsalang pisikal, mental o kaya’y ari-arian ng mag-aaral sa lob at labas ng paaralan.
- Huwag papuntahin ng nag-iisa sa kalyeng hindi makatao, kinakailangan na ipagbigay alam sa pulisya kapag inagawan ng importanteng kagamitan at natanggap na pinsala mula sa grupo na gumagawa ng karahasan
- Kapag nakaranas ng karahasan sa paaralan makabubuting alamin ang personal na impormasyon ng gumawa ng karahasan at tandaan kung kailan , saan , paano ang pinasalang natamo.
- Ang Sekswal na Krimen (Sapilitang panliligalig, Sekswal na karahasan, prostitusyon, atbp.)
- Kahit na walang pisikal na kontak na nangyari, ang pagpapadala ng malaswang salita o larawan sa internet o cellphone ay tinataguriang Sekswal na Krimen.
- Ang simpleng joke o biro ay sekswal na krimen kung iyong tao ay nakakaramdam ng kahihiyan dahil dito.
- Kung may mga nakikita kayong mga biktima ng Sekswal na Pang-aabuso sa inyong lugar, maaari niyo silang pakinggan at tulungang tumawag sa 112 o 1366 para humingi ng tulong
- Kung ikaw ay biktima ng sekswal na pang-aabuso, huwag ka munang maghugas at magpalit ng panloob at damit at kaagad na iulat ito sa 112.
- Isulat ang lahat ng natatandaan mo tungkol sa sitwasyon, tulad ng mga katangian o hitsura ng tao
- Impormasyon sa pagreklamo ng krimen
Ang mga institusyon o ahensya na nagbibigay payo at suportang pang-emergency sa mga bikitma ng sekswal na karahasan, karahasan sa tahanan, at karahasan sa pakikipag-date
- Sentro na namamagitan ng krisis para sa kababaihan at kabataan
1899-3075, 24 na oras
-
- Imbestigasyon,pagpapayo,medical,legal at pinagsama suporta para sa mga buktima ng sekswal na karahasan, domestikong karahasan at prostitusyon (libre)
- Emergency tawagan para sa kababaihan
1366, 24 na oras
Pagpapayo at proteksyon – tulong koneksyon para sa mga biktima ng sekswal na karahasan, domestikong karahasan
- Ahensiya para sa proteksyon ng kabataan
129, 1577-1391, 24 na oras
Proteksyon, suporta para sa mga batang biktima ng karahasan
- Sentrong Tawagan para sa nawawalang bata
182, 24 na oras
1577-1366, 24 na oras
Pagpapayo at emergency support para sa mga migranteng kababaihan
- Sentro para ipagbigay alam ang karahasan sa paaralan
117, 24 na oras
- Sentro para sa Legal Konsultasyong Pampamilya ng Korea
1644-707
Credits : Sulyapinoy , The Official Publication of Filipino EPS Workers Association – South Korea
Korean National Police Agency